Hindi ako isang aktibista, hindi rin ako miyembro ng kahit anong organisasyon  na lumalaban sa karapatan ng tao ng hayop o nang kahit kaninong karapatan. ISa lamang akong normal na mamamayan ng bansang pilipinas . Nag aral at nabuhay ako na parang  walang paki alam sa nangyayari sa lipunan ko. Bata pa lang ay mahilig na akong manood ng balita at mga dokumentaryo na naglalahad ng iba’t ibang paksa. Kadalasan ang tintalakay nito ay kahirapan, mga proyekto ng gobyerno  na nasa kontrobersya at mga kung ano ano pang mga bagay na tungkol sa ating gobyernno. Hindi kme mayaman.. nabibilang ang pamilya ko sa sa hanay ng mga tao sa lipunan na kailangan magtrabaho upang kumain. NAbibilang ako sa ilang milyong Pilipino na nagbabayad ng buwis buwan buwan. Marami ang nagsasabi na ang idelohiya  ng isang tao ay nahuhubog kapag ito ay pumasok sa kolehiyo, ngunit  ang pamantasan na aking napasukan  ay isa lamang sa mga pamantasan na sa tingin ko ay nde binibigyang pansin ang mga pangyayari sa lipunan. Nung ako ay nag aaral pa may isang pagkakataon na ang lahat na ng mga paaralan ay wala ng  pasok dahil sa kaguluhang nangyayari pero ang aking mahal na alma mater ay patuloy pa rin  ang klase. Hindi ko masisisisi ang aking pamantasan kung nde nya nais makisali sa mga ganitong suliranin. May kanya kanya sigurong paaran at paniniwala na ipinattupad ang administrasyon ng bawat paaralan.

Nang magsimula akong mgtrabaho napansin ko na halos 15% palang ng sweldo ko ay napupunta sa tax. Tumaasa ng kilay ko at napaisip, san ba napupunta ang tax ko..pwede bang wag na itong kuhain at ako na lang ang mgpapgawa ng kalsada sa lugar namin, ako na lng ako kukuha ng contractor at ako na lng ang mgpapa bid.  Tpos ilalagay ko ang pangalan ko.  Ako na rin lang ang magsasagawa ng mga feeding program at proyektong pang barangay, ako na lng ang mgpap ayos ng mga side wal, ako na lng ang tutulong sa mga kapatid nating magsasaka para sa pang agrikultira, ako na lng ang bibili at mgapaptayo ng mga eskwelahan, ako na lng ang mghahnap ng ato para mgsagawa ng medical mission.

Sa ganitong paraan nde na magagawang mangurakot ng kapitan ng barangay naming, ng konsehal n gaming distrito , ng congressman, n gaming mayor, ng senador,at ng iba pang mga taong humahawak ng proyekto. Hindi na nila kailangan manghingi ng pork barrel dahil wala nman silang paggamitan nito. Kung pwede lng n knya kanya na lng proyekto ang bawat tao..baka mas mganda pa.

Advertisements